Thursday, January 8, 2015

Balita Ngayon Mula Kay Korina Soho!

BY Mc Wright IN , 4 comments

Ngayong Enero mangyayari ang dalawa sa pinakaaabangang Historical Events of the Faith --- Piyesta ng Itim na Nazareno at Pagbisita ng Santo Papa ---  dito sa Manila. Tunay na kaabang-abang at trulaling nakaka-excite to the maximum level.

Ang mahiwagang TANONG, F!

HANDA NA BA KAYO?
(Insert Korina Sanchez of Rated K! Har.Har)

Raked K! Char.

TEEEEEE KKKKK AAAAAAAA!!!

STOPPPPPPPPPPPPPPPPPP!

(Nagrereklamo ang mga Japanese! Paano naman daw ang mas sikat
at award-winning na si Jessica Soho compared sa dapat sanang Persona-non Gratang hitad?! )
Utang na loob, 'pag tapos niya hilingin na sa Japan mapunta ang bagyo... 'Wag siya! 'Wag siya! (lol.)


Oh sya!
So sige na!
Naiintindihan ko ang reklamo.

Para walang lamangan bakit hindi na lang natin sila pagsamahin?

Good Idea Naman Hindi Ba? 

Handa na ba kayo?

KORINA SOHO, PASOK!!!!


***

                    1...          2...          3...
                                                        Lights Camera On...
                                                                                          On-Air Button Pressed...

Na-imagine ko na, ngayon pa lang, ang hirap na kinakaharap ng mga miyembro ng Local Government ng Manila. Imagine, dalawang bonggang activities --- Piyesta ng Itim na Nazareno at Pagbisita ng Santo Papa ---- ang kanilang kinakaharap. 

Paniguradong masakit sa buto't katawan ang responsibilidad na nakaatang sa kanilang lahat. Ngunit batid ko rin naman na maligaya sila lalo't karamihan sa kanila ay mga katoliko. Sino nga ba ang aayaw na maging parte ng Historical events of faith na tulad nito?  I bet nobody.

FEAST OF THE BLACK NAZARENE

Sa katunayan, ngayong araw ay ang disperas ng Pista ng Itim na Nazareno. At bulaslas ng mga mamahayag, mapa-TV o Radyo man, ay dinumog na ng libo-libong tao ang Quiapo at ang Quirino Grandstand para sa Pahalik.

Ang mga deboto ay inaasahang mananatili hanggang bukas kung saan i-paparada ang imahe.
Sa mahigit 200 taon nang pagdiriwang ng Pista ng Poong Nazareno, nakakamanghang wala pa ring patid sa pagdalo ang mga deboto nito.

  

NKKLK! sa tuwing mapapanood ko ang milyong tao na hindi na mahulugan ng karayom habang nag-uunahang makahawak sa Poon o kahit sa makapal na lubid nito, at maipahid ang dalang twualya sa imahe sa pag-asang magkaroon ng milagro sa kanilang buhay. Mayroon din namang mga deboto na ang layon sa pagpunta ay mai-express ang kanilang pasasalamat sa biyaya at milagrong nangyari sa kanila.

MILYONG deboto ng Itim na Nazareno ang dumagsa sa traslacion ng Iti na NAzareno ngayong araw.

At dahil sa inaasahang dami ng tao, nag-declare ang kumfare kong si Mayor Erap na walang pasok bukas sa lahat ng antas sa buong Maynila. Amaaaaaazing!

Naked Trooooot ang kakaibang Pananampalataya nating mga Pinoy. Our faith is something that we should be proud of. Kakaibang tunay. It is indeed incomparable. PAK na PAK!

THE PAPAL VISIT PH


Isa pang inaabaangan ng bonggang bongga ay ang pagdating ng Santo Papang si Kiko. Sobra ang paghahandang ginawa para sa event na ito. Katunayan, nag-declare ang Malakanyang na simula sa Enero 15 hanggang 19 ay Special Non-Working Holiday! Yahoo.

Bonggacious na walang duda! Hindi lamang simbahan ang punong-abala sa okasyon na ito kundi pati ang gobyero ni Pnoy. 

Nararapat lamang na paghandaan ang pagbisita rito ng Mahal na Papa dahil malaking Pribilehiyo ang pag-aalalang ipinakikita nito sa sambayanang pinoy. 

ITINERARY

Sa Enero 16, tutungo ang Santo Papa sa Malakanyang para makausap ang Pangulo at ang gabinete nito. After this, sinasabing didirekso si Pope sa Manila Cathedral para sa isang Misa at susundan ng isang celebration of family sa Moa Arena.  

 Sa Enero 17, lilipad si papa papuntang Tacloban City para sa isang Misa at bigyan ng basbas at pag-asa ang mga kafatid na biktima ni Yolanda. Sa parehong araw ay babasbasan ni Pope ang Cathedral ng Palo Leyte.

Sa Enero 18, babalik si Pope sa Manila para sa isa na naman Family of Faith Celebration ng Kabataan at Pamilyang Pinoy na gaganaapin sa University of Santo Tomas. At sa hapon ay magkakaroon ng motorcade para sa Panghuling Misa sa Quirino Grandstand sa Luneta. 

At sa huli, Enero 19, aalis na si Pope sa Pinas.


***
Para sa karagdagang detalye ng mainit-init at talaga nga namang kaabang-abang,
don't hesitate to tune in Channel 72.

.. HASHTAGs ..

#PAPALVISITPH #POPESAPINAS #PISTANINAZARENO

Hanggang sa muli,
Nagmamahal Korina Soho


                           3...          2...          1..
                                                                 Lights Camera Off...
                                                                       Off-Air Button Pressed...


photo (c) google

4 comments:

  1. Natawa ako sa piktiyur ni Korina Soho. Korina Soho talaga ang namesung ‘pag pinagsama sila dahil di pwede gamitin ang Jessica Sanchez right? Baka mapagkamalang singer. lol

    Somehow excited ako sa pagbisita ni Pope Francis kahit na hindi naman ako taga-diyan sa Maynila. Wala lang. Happy lang ako.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Haha. AB! Tama. Pag ibang name na Sanchez ang ginamit ko tunog SINGER na. Haha. Yes. Ako rin excited na! Grabe. 20,000 xxx

      Delete
  2. Im in Quiapo yesterday night and saksi sa fiesta fever in that place ... uber excited din sa viait ni Pope Francis ... I am a fan ...

    ReplyDelete
    Replies
    1. Yes me, too! :) Excited na rin ako. Oo grabe ang pananampalataya at debosyon ng Pinoy. Mahirap mapantayan ng ibang lahi , diba? Isa 'to sa mga bagay kaya Proud ako na Pinoy ako kasi we have this immeasurable faith. 'Yung simpleng faith nga lang astig na... 'Yung sobra-sobra pa kaya, tulad nito diba?! So great!

      Delete

Feel free to share your thoughts with me :)

widget article

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...