Thursday, November 6, 2014

Masabaw!

BY Mc Wright IN , 6 comments

 Whew! That was a quite mouthful (so to speak.)


Naglipana ang mga single na kaluluwa lalo na sa bayan ko. Abang akin lang, ay wala namang masama sa pagiging-singgol. Hindi naman nito kinu-qualify kung anong klaseng tao ka sa society hindi ba? At lalong hindi naman nito idini-describe ang paniniwala mo sa peg-ebeg.


Maraming dahilan kung bakit single ang isang tao (sige,friend, i-insert mo dito ang rason mo. Dapat gigil na gigil ka with matching super daming: !!!!!!!, lol)

Merong dahil choice lang to give more priority sa life, studies, family, etsetera. Meron din namang dahil, in a way, ay naging sawi sa nakalipas na trahedya relationship. At merong pihikan talaga at ‘yung hindi lapitin ng mangingirog (ong lalim).

Kung anoman ang dahilan, ang masasabi ko lang ay:

Ang pagiging single ay paraan para i-conserve (kuryente? Tubig?) mo ang iyong alindog, kilalanin at mahalin ang iyong sarili, pasarapin ang iyong sabaw at i-reserve ito sa taong nakatadhana para sa’yo. (oy’ ngingiti siya. Aba ‘eh totoong may-mate ka. Hindi pa lang kayo nagkakatagpo. Pero meron!) (Btw, walang soulmate sabi sa Bibliya pero may nilaan si Lord na Mates para sa ating lahat. Saya lang!)

Ang sabi nga ni madam CharlotteBronte (toroy, klasik awtor ang reperenz! And I quote/ rain-coat/): Ang problema ay hindi dahil single ako at nagustuhang maging single, ang totoo lonely ako at gustong magpaka-lonely.

Ang bigat ng rason hindi ba? Ang mahalaga d’yan ay alam niya ang dahilan niya kung bakit siya single. Pero minsan, mahirap hanapan ng rason ang mga bagay-bagay dahil aminin natin may mga pagkakataon na mahiwaga at mahirap i-explain ang mga pangyayari. (Tulad ng tanong na: Bakit tinatanong at kinakausap ka ng dentista habang kinukukol niya ang ngipin mo at halos ang buong kamao niya ay nakapasok sa bibig mo? Sarap bigwasan.lol)

At sa totoo naman, naghuhumiyaw ang statement ni Dyosang Mandy Hale: Ang pagiging single ay hindi kawalan ng options, kundi ito ay choice mismo. Isang choice para ayawan na i-define ng iyong relationship status ang buhay mo. (‘yun na nga mga friend! Insert vice-ganda here: Boom Panes.)

Totoong mahirap maging single habambuhay  lalo na kung ang mga nakapaligid sayo ay sila pa ‘yung atat na atat na magka-boyfriend o girlfriend ka. What they fail to realize (maybe) ay ito ang isa sa mga pagkakataon mong gumawa ng intelligent choices.

Aminin mo,  minsan naprepressure ka narin sa mga taong ito na imbes na makatulong e’ nakakapagbigay pa ng stress sa’yo. (sakit sa bangs.) 

At naiisip mo rin na kapag nasa relasyon ka na hindi na puro ikaw lang ang isasa-isip mo (pero hindi ko naman sinasabi na pangit na nasa relasyon ka. Masarap este masaya kaya! Kasi may katuwang ka pero masaya rin ang maging single. I-push ko pa ba? Masaya. J).

Pero pero pero, friend...

Tandaan mo ah, ‘wag mong isasara ang posibilidad na makatagpo ng iibigin. Kung ang dahilan bukod sa choice ay ‘yung pighati na naranasan mo dati, ‘wag kang mag-alala, wag kang matakot sumugal ulit, at ‘wag kang manghinayang sa pakikipagsapalaran kasi alam mo matatagpuan mo rin siya. (Kilig! ‘wag kang maglupasay! Charot lang yan. Ano ka jan. haha)

Finding somebody to love and be with is like appreciating the beauty and existence of rainbow after cursing the rain. Loving again after experiencing the pain would always be pleasurable to us. It should not be seen in a way as revenge to somebody but a way of making ourselves happier. (nosebleed!)  

At kung ikaw naman ay isa sa mga SSB (Single Since Birth) sa tingin ko ay talaga namang masabaw ay este masaya ka kapag first time pumasok sa relationship. Kaya  dapat kang bigyan ng (medalya) pagpapahalaga kasi fragile ka. (Oh diba. babasagin ang dating. plato? baso? mangkok? pigurine? teka teka tama ba espeling ko?lol)


Magpakaligaya habang single at magpakasarap ‘pag nasa relasyon ka na.


All the best sa’yo, F! chup-chup! labyow!











*para sa aking kaibigang na si A.C.Q na kasamang nagplano para sa nobelang tatalakay sa pag-ibig, pighati at kasiyahan.

photo (c) google

6 comments:

  1. I'm single because of many other reasons. I'll post it later on sa blog ko.

    Anyway, I really don't like to justify myself or even flaunt it. I would look more pathetic than I am already.

    Indeed, it is a choice. And a person who is single chooses to be single and knows what he's doing. Unlike those fucktards who enters a relationship and still don't know what they're doing.

    Hindi naman ako single since birth. Nagkaroon na ako ng girlfriend. Everything went smooth and great. The only problem is she didn't have a penis. So we broke up.

    Now, i should be looking for a guy. But men are the product of a genetic mutation of the genes of a pig and a dig. It's not easy to look for a decent one. So i decided not to look for one especially at this moment of my life. next year na lang siguro. Wag muna ngayon. Hehehe...

    ReplyDelete
  2. haha! So happy for you, F! Congratulations! Go and let the wind push you. Go and Multiply? (charoot lang)... Go and love and be loved. Everybody is entitled for such blessing. Be proud and be happy that your'e single and you know what you want. Time frame shan't pressure you n finding the One.

    Sometimes, we just need to wait and let the miracle? (isa pang charot yan!) let our destiny pave its way... for you and to your the One. If that time comes, I'll be one of the many who'll celebrate. Sa ngayon, pasarapin ang iyong sabaw at magpakaligaya!

    All the best and thankyow. :* ciao! <3

    ReplyDelete
  3. theres nothing wrong with being single ... its both a curse and a blessing .. like everything else , it has its own share of advantages and disadvantages ... its just up to you how you will handle and manage the situation : )

    ReplyDelete
    Replies
    1. Tumpak! Pang-Supranational 'yang sagot mo, friend! Panalo na! :)

      Delete
  4. Different facets of singleness. I enjoyed reading this. :)

    ReplyDelete

Feel free to share your thoughts with me :)

widget article

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...