Saturday, December 13, 2014

The Balik-Alindog Program 2014

BY Mc Wright IN , 4 comments

Dearest, F! 
                      Let me share this...

YESTERDAY:

Sumakit ang panga ko kakapaliwanag ULIT sa isang kaibigan na Tindera sa isang sikat na Wet na Wet na Market sa Maynila. Maka-sampung beses o higit pa ang aking paalala na kung gusto niyang maging matagumpay ang kanyang pangalawang Balik-Alindog Program ay dapat:

1.  Kusang loob at walang sapilitang nangyari. (Minsan kasi, aminin man natin o hindi, may peer-pressure pa rin kahit may mga edad na tayo and I guess this is worse compared to what we had before when we were young. Bakit? Kasi ito na’yung time na alam mong hindi ka dapat nagpapaapekto sa iba pero sa huli apektado ka pa rin kaya whether you like it or not, go ka na kahit hindi mo gusto.)

2.  Para sa iyong sarili at hindi para kaninoman. (Sa buhay, dapat pinapahalagahan natin ang sarili natin. Kasama ng pagpapahalaga eh yung pangangalaga sa sariling katawan at kalusugan. Ginagawa ito hindi dahil sa BF or GF, Jowa-jowaan, ina-Awrahan or Asawa. Siguro kasama sila sa tinatawag na “driving-force or inspirations” pero hindi sila ang topmost reasons para sa pangangalaga at pagmamahal sa sarili.)


6 MONTHS AGO:

Buwan ng Hunyo nang lumapit ang hitad at sinabing:

Hoy Wright! Aba ang laki-laki mo na! Diet-diet ‘pag may time! Ako nga ‘eh mag-uumpisa na ng aking 2014 Balik-Alindog Program.

Ngumiti lang ako.

“Alam mo feeling ko eh, this is it na. May new friend ako sa FB na childhood crush ko. Eh super deads na deads ako sa kanya kaya nung sinabi niyang magpapayat lang ako at magiging kami na eh, go to the maximum effort na!”

Ngumiti ulit ako at sinabi ko ang 2 advice ko sa itaas.

Hindi ko makakalimutan na tumawa siya na ang boses eh parang beking bumubunot ng numero sa roleta at sumisigaw sa Binggohan sa Perya.

“Hmp. I beg to disagree sa’yo. Alam mo. Dapat kung gusto mong bumalik ang alindog mo eh ang number 1 na nasa isip mo ay ‘yung taong gustong-gusto mo at nag-aantay sa pag ganda mo para bongga ang inspirasyon mo at achieve na achieve mo ang goal mo!”

Sa ikatlong pagkakataon, ngumiti ulit ako at nagsabing: Sige bahala ka. Goodluck.


OGOSTO, SETYEMBER 2014:

Lahat ng kaanib ng samahan ng Tindera sa Wet na Wet Market ay Amazed na Amazed sa pagbabagong nangyari kay ateh. Aba eh sa ilang buwan lang eh PERPEK kung PERPEK ang depinisyon sa Diyosa ng Kagandahan. Tinalo pa ang koleksyon ni Madam Imelda ng magagarang sapatos. IMELDIFIC at SUPERCALIFRAGILISTICEXPIALIDOCIOUS ang adjectives para sa kanya.


KALAGITNAAN NG SETYEMBRE 2014:

Nagkita kaming muli ni ateng. Kabababa niya pa lang ng jip at parang model na umikot sa aking harapan na nakatas pa ang mga kamay.

“Look at me now! How do you find me ha?! Sabi sa’yo tama ako. Ito ang Balik-Alindog Program. Dapat top priority mo ang taong inspirasyon mo ng pag-aalaga sa sarili.”

Ako: (Speechless. Keber lang.)


OKTUBRE 2014:

Nabasa ko sa FB ang mga status ni ateng na puno ng pagdadalamhati. Warak na warak ang kanyang puso at lugmok na lugmok sa putikan ang kanyang damdamin (Juice Colored, nosebleed!)

Ang dahilan: Hiwalay na sila ng Jowa niya na jowa rin pala ng kanyang kaibigan na mas seksi pa sa kanya. Saktap koya eddie! Sa dami ng status ni ateng ay pwede ng maging isang buong sulat na kung nagkasapak ako sa utak noon eh malamang na naipadala ko sa ABS-CBN at pinabasa kay Ate Charo.

NOBYEMBRE 2014:

Nagkita ulit kami ni ateng sa Wet na wet market. Alam ko nakita niya ako pero keber lang siya. Bigla siya tumalikod at kunwari eh hindi niya ako napansin.

Ang dahilan: Bumalik ang dating hubog ng katawan ni ateng at stressed na stressed ang itsura niya. Mas malala pa kesa dati na bago mag Balik-Alindog Program.

NGAYON, DISYEMBRE 2014:

Nag-chat si ateng.

“Prend. Hudas ka! Parang istorya ko ‘yang blog mo ngayon!”

Reply ko: (seen)


Nagmamahal,





4 comments:

  1. I heard one time sabi ni Mo Twister yung theory niya about Sex Diet.... yun yung may ka deal kang isang fuck buddy na kapag namayat ka eh boom boom pow kayo to da max, otherwise, you cannot possess his or her body.

    Ideal at magandang pang motivation. Pero aa tingin ko sexiness kasi is a lifestyle and attitude.

    It must atart with the mind- convince yourself to change and will your whole being para magbaog ng lifestyle.

    Mahirap na baka dumating kasi ikaw sa point tulad ko na himahabol ng doctor ko para pilitin ako mad diet! Ang hilig ko pa man din kumain.

    Tapos uuwi ako ngayon sa Pilipinas! Ehrmegherd! Lamon to da max na naman ako!!!!

    Pero push mo yan! Kagabi nga iyo minumunI-muni ko- happiness is earned the hard way. Beauty and agony walk side by side. Kaya ayun, paghirapan natin ma achieve ang katawan na kababaliwan ng sangkatauhan!

    ReplyDelete
    Replies
    1. HAHA! Grabe naman. Hindi ko alam ang iko-comment ko, lol. Haha epic ang "katawang kababaliwan ng sangkatauhan" haha!

      Delete
  2. Haha .. para sa akin hindi na ako umaasang babalik pa ang alindog ko he he he : )

    ReplyDelete

Feel free to share your thoughts with me :)

widget article

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...