Monday, January 12, 2015

Manong 'Yung Sukli Ko Powszh!

BY Mc Wright IN 7 comments

Kapansin-pansin ngayon ang hindi pagsusukli ni Manong drayber. Ang sabi nga ni Aling Maliit, "Maliit na bagay." Ano ba naman 'yung 50 cents sa otso-pesos na binayad mo, debah?

Ateh! 'Wag mong pagkatitigan ang barya baka masinghot mo! Char!
photo (c) TV Patrol
Keriboom, kung minsan ka lang sumasakay ng jip at keriboom kung ang sweldo mo ay to the highest level!

Pero minsan, hindi ko na maiwasan ang mayamot ng konte. (mga isang dangkal?lol)
Hindi dahil kulang ang sukli, kundi dahil sa paraan ng pagkaka-abot ni koya, na as if kumpleto at walang bahid sa kanyang konsensya. Trulaling nakakapagdabog ng bangs!

photo (c) GMA News
Isang beses tinanong ko kung nasaan ang sukli sa otso-pesos na binayad ko. Nagpanting ang aking pakpak at tumubo ang aking sungay sa noo nang buong ningning siyang sumigaw ng,

"Para singkwenta-sentimos lang! Walang barya!!!"
(labas ang ugat sa leeg at talsik pa ang laway. Ulitin ko TALSIK ang LAWAY!)

Imagine, sinigawan ako? Nang dahil lang sa tinanong ko ang aking sukli? Ang tanda ko, ang huling sumigaw sa akin na tumalsik ang laway ay dinemanda ko ng Oral defamation.

Teka, ako ba ang may kasalanan?
Ako na isang hamak na nilalang sa mundong puno ng
hinagpis at pagdurusa?
(Ay sorry! erase-erase, akala ko nasa harap ako ng kamera. lol.)

Balik sa isyu, tingin ko naman hindi masama na hanapin ko ang sukli at tanungin siya. Kung kasalanan ang pagtatanong edi sana wala ng concierge ang mga malls at front-desk ang mga hotels.

Utang na loob!!!

karapatan 'yun ng bawat commuter. Karapatan namin hanapin ang sukli kung sobra ang aming binayad. Nakasaad yan sa Article 52 ng RA 7374 o Consumer Act of the Philippines.  (toroy! kabog debah? Abogado lang ang pegasus.)

Tinitigan ko siya ng malalim at sinabing, 
"Bakit ka galit? Baka atakihin ka sa puso PO
at ikamatay mo yan PO!"

Nakakainis dahil magkatabi lang kami ng upuan. Pwede naman siyang mahinahon na magsabi ng paumanhin kung halimbawa man na walang barya. Kahit ang totoo naman ay meron. (Pliz. 'Wag ako koya! Dati rin akong drayber, 'yun nga lang 6-wheeler.)

Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa. Hiningi ko na ang otso ko at bumaba na ng karag-karag niyang jip. Ganun lang ka-simple.

Hindi na ako dapat na makipagtalo pa. Ika nga ng paborito kong Propesor na Doktor ng literatura,
 "In life, we need to choose our battle."

Pasok sa banga! Mabuti na lang at may poise parin ako sa pag-sabing, "Aanhin ng kabayo ang damo kung lanta na ito," Charooot lang!


'Yun lang!

Labyow,

7 comments:

  1. he he kaya ako ay sakto lang ang ibinabayad ko na 7.50 ... at pag walang .50 cents ay 7.00 na lang nibabayad ko he he he .. pag tinanong ako sa kulang na .50 cents ay sasabihin kong walang barya eh ha ha ha

    ReplyDelete
    Replies
    1. Tama! Suklian ang mga gagong yan ng kahaguhan din. Hahaha! Kaya ako, kumuha talaga ako ng driver ko dito sa Pinas. Hahaha! Haciendero lang ang peg!

      Delete
    2. hahahha. nakaka-highblood! Utang na loob, mahal ko pa ang buhay ko! hihi

      Delete
  2. hahaha, kalowka ang comment ni Teh Edgar, di siya naisahan lols.

    Seriously, nakakainis nga ang ganyang driver, sila pa talaga yung may ganang magalit. Sana naman kalma kalma din sila pag may time, lol.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ahhahaha! Sakit sa bangs! Mabuti na lang at hindi ako na-highblood. LOL

      Delete
  3. Kaya ako lagi ko binabayad sampung pisong buo para sobra sinusukli nila.

    Kapag naka'encounter ako na kulangan nila ako ng sukli sisindakin ko sila.

    ReplyDelete
  4. hahaha. oo dapat we know the art of sindakan hahha

    ReplyDelete

Feel free to share your thoughts with me :)

widget article

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...