Thursday, October 9, 2014

Para sa Feelingera kong Friend!

BY Mc Wright IN No comments


Perhaps, you're suspecting somebody as the culprit. Ngunit,maaaring pinagsususpetsahan mo rin ang sarili mo na para sa'yo 'to at pinararatangan mo 'ko na nagpaparinig sa'yo.


Kung tama nga ang hinila ko, maaaring para sa'yo nga ito.
Pero pwede rin namang hindi dahil sadyang feelingera ka lang, friend.


Hmm..

Tama ba ako?

If not all but majority of things  that I'll be mentioning here are pointing you, most probably, walang duda, as in 'yung tipong 99.9% 'eh para sa'yo nga ito.

Don't get mad.
Para naman maiba ang pagkakakilala ko sa'yo.

1. Nakaka-badtrip na isipin na sa dinami-rami ng taong may problema sa mundo 'eh feeling mo ikaw ang pinaka-down na down. 'Yung tipong lahat ng nakapaligid sa'yo ay masaya kahit walang pera, pero ikaw 'tong super mukmuk sa tabi na parang batang inagawan ng kendi.

Ang dahilan ng kalungkutan:  1 oras na Hindi na itext ni boyfriend. (gracious goodness!)

Friend, sa pag-ibig, maniwala ka man o hindi eh may sawa factor din. Pero hindi porke't hindi ka naitext, 'e hindi ka na mahal o may-iba ng mahal. Juice colored! napakatamang hinala mo naman.

2. Makailang beses ng sinabi sa'yo na kung kakain sa labas eh 'wag nang magpicture-picture ng food. Dahil sa totoo lang, kung nakakapagsalita lang ang Fezbook, sisigawan ka na niyang blotted na s'ya sa dami ng pekchurs mo na may hashtags pang: #yippie, #yey, #boomsarap, #foodporn, #jolibee, #mcdo, #7elevensyopaw.

Friend, 'yung totoo? nagyayabang ka lang ba talaga o trip mo lang ipakita na nakapag-spaghetti ka with burger?  Hindi ko na nga i-elaborate 'yung favorite mong burger na isang kagat palang eh busog ka na sa dami ng ketchap. 'Yung totoo friend, vampire ka?

3. Hindi porket napatingin si guy habang naglalakad eh type ka na. Hindi ba pedeng may something sa'yo kaya napasulyap siya? Pwede na mang may anek-anek ka sa fez or Pwede rin naman na maaaring may kahawig ka lang, friend.

Minsan maganda rin 'yung once in a while e' down-to-earth tayo. Wala namang masama na proud ka sa pagiging maganda kasi masaya ako para sa'yo. Gusto ko nga lahat ng tao ay feeling maganda.

PERO...

Hindi ko naman wish na sa sobrang "pagka-feeling" eh mapagaya sa'yo na halos magka-stiff neck dahil sa hindi maibaling na leeg kapag naglalakad at halos isugod sa emergency room dahil sa paltos sa paa na na-murder ng 4 inches high heels. Friend, 'yung totoo? may sapi ka ba?  Bakit bet na bet mong naka-heels sa lubak na daan?

4. Sakit sa bangs sa tuwing nag-oopen kami ng FB eh puro status mo ang nasa newsfeed. Halos lahat ng puntahan mo sa araw-araw, ultimo ang gagawin mo like papasok sa CR, maliligo, kakain, magba-volleyball, magSM, at kung anu-ano pa eh naka-post! Friend, 'yung totoo, artista ka ba?

Ano ba ang dahilan kung bakit lahat ng lugar ng pupuntahan mo ay nakapost? Hindi ka ba natatakot na baka ma-kid adultnap ka? Napakadali para sa kawatan, 'e kasi naman from shoes to headress eh nakadetalye sa FB. Feel na feel mo ang OOTD mo with tags: #DiViawesome, #smLIKE #Betch (I mean,Bench!)

5. Nakakapagdabog ng kilay 'yung mga parinig mo sa kaaway mo sa FB! Lalo na 'yung mga emo at drama status mo about life. Friend naman, baka pwede naman eh kahit once in awhile  maging friendly ka. Hindi 'yung feeling mo 'e lahat ng nilalang ay ipinanganak para maging kaaway mo. 'Yung totoo friend, bidang kontrabida ka ba?

Sa totoo lang friend, napakarami ng hinaing mo about life. Wala namang masama na magreklamo minsan dahil natural lang na mapagod tayo sa buhay. Pero friend naman, hindi lang ikaw ang may problema. Maraming nagugutom, hindi nakakapag-aral at maysakit na hindi makapagpagamot dahil walang pera. Sana isipin mo swerte ka pa friend  dahil ang main problem mo lang ay  kung brown or black-stripped na medyas ba ang isusuot mo para sa jogging na'tin today. Friend 'yung totoo, Zebra ka?

Pero sa totoo lang, kahit ganyan ka, mahal kita.Mahal ka namin. Piz yow! Break it down. LOL

0 comments:

Post a Comment

Feel free to share your thoughts with me :)

widget article

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...