Marami ang hindi bet
pag-usapan ang kamatayan.
Ewan ko ba sa iba kung bakit takot sila pag-usapan
ito, ‘e hindi naman ibig sabihin eh ma-tsugi sila agad after ng convo diba?
Maaring takot sila
dahil ang ideya palang ng kamatayan ay “Hiwalayan”.
Tama ba?
Marami ang ayaw ng
hiwalayan.
Marami ang takot na
mahiwalay sa mga mahal nila sa buhay?
Teka, sino po ba ang
hindi?
Lahat tayo ay di
nanaisin na mahiwalay sa mga mahal natin sa buhay: kaibigan o pamilya.
Lahat tayo ay ikadudurog
ng puso na makita silang malungkot at umiiyak habang nakikita nila ang ating pag-alis.
Pero kaibigan, ang
kamatayan ay bahagi ng buhay.
Lahat tayo ay
darating duon.
Walang mayaman o mahirap.
Ang kamatayan ay “equalizer”
sa ating lahat.
Ngunit kahit magkaganun man na lahat tayo ay
mahihiwalay sa mga kaibigan o pamilya natin, hindi tayo dapat na malungkot ng lubusan.
Sapagkat sa kabila ng kamatayan, batid ko’y may panibagong pakikibaka.
Hindi
ba’t bago tayo sumabak sa trabaho ay dapat nakapagpahinga tayo?
Maaring
8 oras na tulog sa gabi. Gayun
din sa pagpanaw natin.
Sa pakiwari ko, batid ng maykapal na
pagpahingahin tayo ng ilang araw (burol) dahil mas “challenging” ang bagong
kabanata na ating haharapin.
Alam mo ba nakapanaginip
ko noong nakaraang gabi ang mama ko.
Hindi ko namalayan na lumuluha na pala ako, lumapit siya sa akin at tinanong niya ako:
Bakit ka
umiiyak?
Niyakap ko siya ng
mahigpit na mahigpit at sinabi kong,
“Ma, sobrang na-miss kita. Mahal na mahal
ka namin.”
Habang tumatangis ako’y
tumingin lang siya sa akin at ngumiti.
“Nasaan ba ang kasama mo? Halika at
hanapin natin sila.”
Dali-dali niya akong niyakad sa napakagandang hardin.
Ang dating sa akin ng
panaginip ay totoong totoo.
Napaisip tuloy ako na
siguro kapag may namatay ay sinasabi ng iba na “sumakabilang-buhay” na ay maari
ngang totoong may buhay sa kabilang-buhay.
Parang magulo ba?
Hindi ako sigurado
pero ayon sa Bibliya meron naman talagang “life after death”.
Walang nakakasiguro
kung anong meron sa kabilang buhay.
Wala ni isa sa mga mahal natin sa buhay ang
nakabalik at nagsabi kung anong meron doon. Wala ni isa man sa kanila ang nag
pabatid sa atin kung ano ang kakaharapin natin.
Dahil sa panaginip
ko, ang iniisip ko ngayon, sa kabilang buhay ay hindi tayo magkakakilala.
Hindi
ko kayang ipaliwanag ngayon pero alam kong masaya doon kaya dapat handa ako sa
panibagong pakikipagsapalaran. Kaya dapat push lang tayo ng push kung ano ang
meron tayo ngayon.
Hindi ako takot
mamatay.
Mas takot ako, kung mamatay ako bukas pero hindi ko man lang na-enjoy
ang buhay na mayroon ako ngayon.
Tulad ng lagi kong
sinasabi, lahat tayo ay dapat masaya.
We should celebrate life! Kahit anong
klase pang buhay meron ka ngayon, dapat masaya ka.
Pag dumating ang araw
ng kamatayan ko gusto ko mangyari ito:
1. The
Pallbearer (Taga-buhat ng kabaong)
Sinasabi na dapat
anim ang magbubuhat ng kabaon. So, dapat ‘yang mga magbubuhat na iyan ay
talagang napagpiliian ko ng mabuti (dahil may kabigatan ako.LOL). Dapat lahat
tayo ay alam na kung sino ang magbubuhat sa atin, e’ bakit hindi? ‘Yung mga
nagdedebut nga ay maligayang nakakapili ng 18 candles and 18 roses, at yung
ikakasal nga kung makapili ng ninong, ninang at abay ay sobra sobra… bakit ang
magbubuhat sa atin ay hindi natin piliin?
2. The
Theme and Motif
Tulad ng kasal,
binyag o birthday para sa akin ay dapat nakaisip na ako ng TEMA ng burial ko sa
hinaharap. Gusto ko may motif din,’yung tipong lahat ng kandila, bulaklak at tela ay
magkakakulay. Ang burol ay hindi lamang dapat lugar na iniiyakan. Dapat may
rason din para mapangiti kahit sa simpleng kulay ng mga bulaklak at mantel sa
lamesa. Nais kong nakasuot ako ng Americana. ‘yung complete attire ha with tie
and coat.
3. The
Food Service
Gusto ko may buffet
sa burol. Mahilig ako sa pagkain kaya gusto ko lahat ng makikisaya sa akin ay
mabubusog. Ayaw ko ng self-service, hanggat maaari sana’y may mga waiter at
waitress na laging nakangiti na magseserve sa kanila. Lahat ng putahe na
paborito ko ay dapat na nakahain kasi tulad ng birthday, ang kamatayan ay dapat
ipinagseselbrate. Ang kamatayan ay selebrasyon ng naging buhay ko sa mundo.
Selebrasyon ng pagpapasalamat sa maiksing buhay na bigay ng lumikha.
4. The
Usher, Usherettes and Entertainers
Sa burol, gusto ko
masaya ang mga ushers at usherettes. Kahit hindi maganda o gwapo basta lagi
silang nakangiti. Gusto ko rin na may mga nagkakantahan sa burol ko,dapat may “every
night celebrity features” ang bawat gabi. Iba-iba ang singer mas maganda at mas
masaya. Hanggat maari, ayaw ko ng malulungkot na kanta. Gusto ko ‘yong masasaya
pero hindi naman ‘yung tipong pang disco ha. Dapat may emcee rin.
5.The Crying Ladies
Syempre, kahit anong
kasiyahan ang ipagawa ko, alam kong may sad moments pa rin. Kaya sa huling
gabi. Gusto ko dito na lang mangyari lahat ng iyakan. Gusto ko may crying
ladies para in unison ang hagugol.
Naguluhan ka ba?
Na-wirdohan?
Natawa?
Ang gusto ko lang
ipabatid sa’yo, ang kamatayan ay dapat pinaghahandaan at hindi dapat
kinatatakutan.
Push lang ng push at ‘wag matakot! Live life to the fullest today, 'ika nga eh: Carpe Diem!
Ang kamatayan ay dapat
ikinasisiya at ipinagbubunyi.
Sabi nga ni Alfred
Adler,
"Death
is really a great blessing for humanity, without it there could be no real
progress. People who lived for ever would not only hamper and discourage the
young, but they would themselves lack sufficient stimulus to be creative."
Hanggang sa muli,


0 comments:
Post a Comment
Feel free to share your thoughts with me :)