"Huhubels!"
Yan ang bagong term sa pag-describe kung ano ang kinakaharap ng taong sobrang nasaktan. Ang nakakatawa rito ay kahit lugmok na lugmok ka na ay nagawa mo pang gumamit at magimbento ng salita. At ang mas NKKLK! (para sa balik-bayan galing MARS: NAKAKALOKA!) ay gamit na gamit na ang salitang 'yan. (bongga lang!)
Maraming pagkakataon na parang gusto mo na lang magkulong sa kwarto, umiyak at kausapin ang sarili sa loob ng CR, pumasok at maglupasay sa kumbento, at i-packing tape ang sarili sa kama mo dahil nalaman mong...
![]() |
| koya, mahihiya si Inang Majenta at 'yung tagakumpas ng Flag Ceremony sa daliri mo. "Oh hala, handa! Awit!" |
Talaga 'nga namang oh "huhubels" ka sa itsura mong 'yan! (Nagsusumigaw ang pagpilantik ng mga daliri mong bagong-manicure. kabog lang!)
Ang huhubels ay naging daan na lang para hanapin natin ang saya sa gitna ng katotohanang may pinaghuhugutan kang malalim na (dagat?) emosyon. Sadyang matalino tayong mga Pinoy (Ehem, Ehem, water pleasssh) Dahil sa gitna ng pighati, we always find the beauty, humor and art in it. Kahit pa duguan ka na! 'yung tipong nakita mo ang boyfriend mong may kasamang iba sa dalampasigan (ong toroy. parang ilog naman 'yan koya!)
![]() |
| Taksil! Sige balutin mo 'yan babaeng yan! Gawin mong suman dapat hindi yan makahinga! (#onghard!lol) |
Kidding aside, malungkot 'yang moment na 'yan. Kahit sino naman siguro ay malulungkot lalo na kung ang katabi niya ay 'yung ultimate crush niya nung High School days niya. (Insert sibuyas and kutsilyo here.)
And here you are, todo emote. Hindi alam kung ano ang sasabihin sa lalaking pinangarap mong maging poreber. (totoo ang poreber ha! sige push ko pa'yan!) Then, you just see yourself in front of him. Hindi ka pa man nakakapagsalita when he said: I am sorry. I fell out of love.
Juicekelerd! Hindi mo alam kung ano ang gagawin mo! Malilito ka kung maglulupasay ka ba or mahihimatay dahil naibigay mo na lahat sa lalaking 'yon. As in ang lahat-lahat: tiwala at pagmamahal (kasama ang bank accounts at titulo ng lupa at Niyugan sa probinsya. Charoooot lang. Dalang dala ka eh!)
Ang sakit-sakit!!! (koya eddie, tita mel, dear Charo?lol) Sobra ang sakit dahil you've been seeing your future, in fact, your whole life with him! Binuo mo ang pangarap na hanggang huli siya ang kasama mo dahil nakasama mo siya sa saya! 'yung tipong puro saya lang! (partey! partey!) pero walang hirap :(
He had you at your best but never at your worst. Huhubels. Wala kang choice kahit ipaglaban mo siya dahil bumitaw na siya, Kaya ang naisip mong best na gawin ay harapin ang katotohanang hindi siya ang taong nilaan para sa'yo...
![]() |
| Grabe ka! Akala ko... akala ko... akala ko.! Hmp! |
This was the most painful experience that you faced. Pero dahil may faith ka kay God at may self-worth, Unti-unti kang makakabangon. (at dudurugin siya?ay erase.erase! Very wrong move yan, ampalaya 'yan. Hindi ka si Bitter Ocampo.)
![]() |
Hanggang sa maging ready ka at ready siya. (This is it atey! Push na'yan! Ito na. Baka ito na ang Poreber mo! <3 )
![]() |
| Never say never sa newly found One. Sige Behbeh, gawin mong Bote ng Genie 'yang pisngi ko. lol |
Ang huhubels... ay paraan para bigyan daan at i-describe ang sitwasyong malungkot pero may pag-asang nakikita.
(At dahil d'yan. Lulubus-lubusin ko na ang pagmamagaling. Dahil magaling ako 'wag kang ano jan! hahaha)
Ang "Huhu" - ay ang pag-iyak o pag-atungal dahil nasaktan.
Ang "bels" ay morpolohiyang beki na nagpapahiwatig ng saya o kiliti.
May natutunan ka ba?
I hope so.
Okay, let's call it a day!
Goodbye, class.
See you when I see you. Bye. hik..
labyow,
photo (c) google






nice new beki jargon he he ...
ReplyDeleteHaha! Oo nga. ang saya lang. Pero may Nag-PM sa akin sa FB, sabi mejo matagal na daw 'yan. Sadyang, late laang ako. hahah! pero atleast better late than never! 'Pak!
Delete