Saturday, December 13, 2014

Em Choori.

BY Mc Wright IN , 2 comments

Hi F!

Welcome back to me! I feel sorry for my 5-week absence here.

 AY EM CHOORI.
(Insert Glorya Fez here)



Juiz, puto at seko. Napakarami ko kasing kinaharap na pagsubok nitong nagdaang mga araw. Pero keri lang. Tadyak sa kaliwa’t Kanan parin, like what I’ve been saying: Life is beautiful! Hindi ko naman maisumpa-sumpa ang mga problema kasi sila ang nagbibigay kulay sa aking buhay. (Ooh devah, krayola lang ang peg!)

Pero aaminin ko na kahit sampong milyonng beses kong sabihin na ang mga problema ay pagsubok lang na kayang lagpasan, minsan eh nakakapanghina rin at may mga times na tutumba ka na lang bigla (habang hawak ang dibdib na parang inatake sa puso.)


Buhay nga naman! Ngayon masaya. Bukas malungkot. Ngayon maluwag sa lahat at walang stress na kinakaharap, Pero maya-maya lang eh sandamukal na ang mga pagsubok. Tama nga ang kasabihan ng mga lola: Ang buhay ay parang gulong na paikot-ikot lang at parang naka-destiny na ang cycle nito. (Insert Sarah Geronimo’s Ikot-Ikot Video.lol)


‘Yung mga kasama ko sa trabaho sa kabilang baryo. Aba eh akala hindi ako nilalapitan ng problema. Akala eh exempted ako sa mga pagsubok. Wala daw kasi sa itsura ko ang may kinakaharap na suliranin. Oh my golly. Kung alam lang nila.

Hindi ako mahilig lumabas or mag-enjoy with others. ‘Yung mga tipong night life eh wala naman talaga sa bokabularyo ko. Kung napapasama lang ako, siguro eh napilitan lang or nahiya lang akong tumanggi.

Minsan nagyaya ang isang Ingleserang workmate. Ang sabi ko pasensya na kasi kailangan kong umuwi kaagad. Bumirit ba naman ng: Ayan ang mahirap sa’yo eh. Payaman ka nang payaman. 

(Magsasalita palang ako eh bumanat na naman ang hitad…)  Pumipili ka na pala ng sasamahan ngayon. Dati lagi kang nakikipagkwentuhan sa amin. Ngayon bihira na.

(Bubukas na ang bibig ko para magpaliwanag pero…) Akala naming kilala ka na namin, pero hindi pa pala. Bakit ka ganyan? Ha?

(Ito na! Magsasalita na ako eh, biglang...) Katulad kahapon, niyaya ka naming kumain sa labas pero ang sabi mo nagda-diet ka. Tapos nakita ka naming kumakain. Tapos ‘yung kinakain mo eh pang tatlong tao. ‘Yung ba ang nagda-diet ha? ‘yun ba? Bakit hindi ka magsalita? (Gusto ko ng magmura habang sarado ang bibig. Kabwisit. Tanong ng tanong eh hindi naman ako binibigyan ng pagkakataong sumagot. Sarap sikmuraan! lol.)

Kung alam lang nila na iba ako. Kapag gusto kong mapag-isa'y tiyak na may prolema ako. Hindi ako yung tipong ‘pag may problema eh buong mundo ay nakakaalam dahil nakabroadcast sa FB, Twitter o kung anek-anek na social media. Hanggat maari, gusto ko sinasarili ko lang. Kapag may mabigat akong kinakaharap (pinansyal, emosyonal, pisikal, ekonomikal, sikolohikal at lahat-lahatin na ang mga KAL at YAL. lol) mas prefer kong tumahimik na lang at ayusin ito ng mag-isa (or with my BFF.)

Ito ang dahilan kung bakit hindi ako nakapagblog mga ateh at koya. Pasensya na po kayo. Kasi feeling ko maapektuhan ang mga ka-echosan ko dito sa blog kapag problemado ako. Ayoko naman na mag-alala kayo (Ang Charoz lang diba. Feeling Celebrity.lol)

Kidding aside.

Maraming-maraming salamat po sa lahat ng mga nag-PM para sa bagong post. Salamat din sa mga walang-sawa na bumibisita ng blog na ito na kahit walang bagong entry eh tumatakbo parin ang Blog Traffic. Salamat sayo, F!

 'Till next!

2 comments:

  1. ha ha ayos lang yan ... wala namang taong exempted sa problema .. keri lang at smile pa din lagi : )

    ReplyDelete

Feel free to share your thoughts with me :)

widget article

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...