Sunday, December 21, 2014

Eng Peg Evolve ng Peg-Ebeg 2.0!

BY Mc Wright IN No comments


NKKLK!

Maraming kabataan ang pabigla-bigla sa peg-ebeg. Hindi lang iilan ang mga nagsiiyak nang mabigo sa isang paninniwala na natagpuan na ang matagal ng hinahanap, pero nahanap pa ng iba.

Nakakaloka  na ang depinisyon ng peg-ebeg!

Ngayon ay lumalabnaw na nang lumalabnaw. Dati, masasabi na umeebeg ang isang tao kung na-identify niya ang kakaibang feelings na ito not less than a year. Ngayon,  eh nagkabungguan lang ng siko si ateng at si koya, tapos dagdagan pa ng background music na “All of Me” ni Koyang John Legend eh nagsusumikipan na ang mga dibdib ng mga hitad! Magugulat ka na lang nakuha na ni Koya ang Number ni Nini at nagpalitan na ng mga nagtatamisang messages na kung dadalhin sa laboratory ay mada-diagnose na may Diabetes!

Tapos, ilang araw lang, ay hala! Ito na ang balita sa bayan ni Juan: Si Nine ay jinowa na ni Koya!

Sino ba namang magulang ang hindi sasakit ang ulo lalo na pagmalaman na ilang oras lang si Nine ay luhaan na dahil si Koyang ay may iba ng dina-diabetes?

Hay jusmio!

Ang peg-ebeg eh hindi seasoning. Hindi ‘yan betsin na binubudbod sa ulam ng pakonti-konti. Seasons na ‘yan ngayon: na tag-sibol na bigla-bigla eh bongga na ang feelings mo sa isang tao, then tag-init ngayon kaya may bugbugan, bukas tag-lamig kaya ang sweet-sweet ulit na parang bokayo, maya-maya ay  tag-ulan ulit ng luha, tapos ngayon ay tag-lagas na.

Oh kabataan!

‘Pag kumislot at pumintig ang ugat sa leeg ay peg-ebeg na agad. Jusmio ulit! Ang bilis-bilis! Tinalo pa ang kabayo sa karerahan. Dati, may arte-arte pa at may ligawan blues. Ngayon eh, sa text lang mag-on na agad. Nakakapagdabog ng kilay. Kung gaano kabilis na maging mag-jowa, s'ya ring kay bilis na maging SPLIT-ends!

Tapos sa luhaan portion, nandito si Nini na walang ginawa kundi ang umatungal at tadyak dito at sipa duon sabay sigaw: $@#&&(@^! Tinapa’t KAPE!

Naisip ko lang, ang ginagawa natin sa peg-ebeg ay tulad ng ginagawa natin sa remote control ng telebisyon. Alam nating mahina na ang baterya pero may panggigigil pa rin tayo sa pagpindot sa mga numero. Nagbabakasakaling doon ang problema pero alam naman nating baterya ang dahilan. Nagbabakasakaling ang peg-ebeg ang may problema pero ang totoo ay IKAW at wala ng iba pa.

Ang tunay na peg-ebeg ay walang sinu-sino. Walang edad, walang lahi, walang gender qualifications, walang mayaman at walang hampas-lupa, walang lokohan at walang alinlangang pagyayabang sa mundo na mahal mo siya at mahal ka niya.

Ang tunay na peg-ebeg ay 'yung pag naramdaman mo, wala na.... wala ng mas sasarap pa sa pakiramdam nang mga oras na 'yun. Dahil ang tunay na peg-ebeg ay ang highest of all the emotions that man can feel. 'Yung tunay, 'yung kakaiba, 'yung napakasarap, yun... yun... yun ang peg-ebeg!

Pero meron din namang iba ang trip. ‘Yung tipong beri-beri na souper douper clear na nagloko si Koyang ay mega deny pa si Nini at siya pa ang habol ng habol sa Animalia, sabay kanta ng: I WILL SURVIVE!

Kakaiba na talaga ngayon. Masasabi kong masaya rin ang mga pagbabago na ito sa isyu ng peg-ebeg. NKKLK! at NKKTW! pero aminin, iba ang feeling na once in your life napagdaanan mo ang mga kalokohang ito.  Matatawa ka for sure. Matatawa ka... hihihi. lol.

0 comments:

Post a Comment

Feel free to share your thoughts with me :)

widget article

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...