Sunday, December 21, 2014

Na-Friend Zone Ka Na Ba?

BY Mc Wright IN , 4 comments

Hay ang sarap umibig!

Ito ay may kakaibang tamis na tumalo sa lahat ng chocolates at mga cake. Ang klase ng tamis na tinatanggihan ng mga langgam mapa-itim o pula man. Ang tamis na nagbibigay saya at luha kung sumobra.

Kilig to the bones kapag nagmahal at lalong ‘kay sarap kung mamahalin ka rin ng taong iniluklok mo sa tugatog ng iyong mga pangarap (Jusko! Nosebleed!) 

Many times, we feel na parang mahihimatay tayo kahit mga simpleng titigan lang ang naganap. NKKLK! Tingin pa lang ng taong mahal mo eh halos mawalan ka na ng ulirat at kulang na lang eh maglupasay ka sa galak! (‘Yung totoo, nanalo ka ba sa lotto?)

Kung gaano kasarap ang pakiramdam na mahalin ng taong mahal natin ay ganun din naman kasaklap ang pakiramdam na hindi mapahalagahan o bigyan ng katiting na pansin ng taong pinangarap mong maging kasakasama sa pag-achieve ng iyong mga dreams in life.

Hay ang saklap!

Lalo na kung nag-assume ka na parehas kayo ng nararamdaman.
Na all these times, you have been thinking that you have this implied mutual understanding!
Tapos bigla-bigla marerealize mo na itong mokong na ito ay nagte-take advantage na sa kahinaan mo.

Hay ang saklap!

Na bigla-bigla eh nagbago siya ng pakikitungo.
Na unti-unti ay umiiwas sa iyo.
Na kasing dalang na ng patak ng ulan ang text na nare-receive mo.
Na kapag nakasalubong mo ng tingin ay biglang iiwas.

Ang saklap!
Ang hirap!
Ang pait!

Ganyan kapag na-friendzone.
Ganyan kapag nag-assume.
Ganyan kapag nagmahal ng biglaan.

‘Yung tipong hindi pa panahon.
Hindi pa oras.
Hindi pa dapat.

‘Yung tipong after all these things masasabi mo na,

“Sana hindi na lang.”
“Sana iba na lang.”
“Sana. Sana. Sana.”

Tila kasabay ng pagguho ng pag-ibig ay ang pagguho ng mga pangarap mo.
Nang mga wishes mo at ng mga dreams mong na binuo sa paniniwalang kasama ang taong inakala mong para sa’yo.

“Walang Tayo.”
 “Walang Ikaw at Walang Ako.”

Ang bigat.
Ang bigat-bigat sa puso, sa isip, sa panagnip.

Ramdam mo?
                         Ramdam kita ngayon.
                                                               Alam ko…

ka na :[


photo (c) google

4 comments:

  1. Ha ha daming blog posts ah .. naghahabol ka ba sa dead line ? he he Merry Christmas Mc Wright : )

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahah. yes kuya. Ang dami nga. Mga pending post ko pa ito. Ang tagal ko kasi nawala more than a month. nakakmiss.

      Delete
  2. Hindi pa ako nafi-friendzone pero sa tingin ko baka dun ako papunta, alam mo naman. Haynaku, love is unfair.

    ReplyDelete
    Replies
    1. 'Wag ka mag-alala @anonymousBeki... may nilaan na si Lord para sa'yo. Sometimes, we just need to be patient. Kapit lang. :)

      Delete

Feel free to share your thoughts with me :)

widget article

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...