Monday, February 24, 2014

Akala

BY Mc Wright IN , No comments

Hindi lahat ng inakala mong true love ay true love na.
Maraming pagkakataon na nabubulag tayo sa paniniwalang "Siya na!",
"She' the one", "He's the answer" at "This is it!".

Pero hindi ka rin naman masisisi kasi saklaw ng paniniwalang ito ang teyoryang: KAPAG NAGMAHAL KA ISIPIN MONG SIYA NA ANG TRUE LOVE.

Ang pag-ibig ay napaka-mysterious.
Walang epek sa una pero bigla na lang may mararamdaman kang "kilig" at "special effect" sa mga susunod na kabanata.

Paano maging masaya habang inlove?

#1: Magdasal ka. Mag-soul searching kumbaga. Sa pagdadasal mo, wag mong sabihin na, "Lord, salamat kasi siya na ang ibinigay ninyo sa akin."


Oppss!
TEKA!

Very Wrong.

Kasi unang una hindi si Lord ang pumili ng taong 'yan para s'yo... kundi IKAW. So, better pray na sana tulungan ka niyang magdiscern sa kung sino ang mahal mo at kung ano ba talaga ang gusto mo. 

#2: 'Wag mong i-set sa mind mo na lahat ng pangarap mo sa isang babae o lalaki ay nasa boyfriend o girlfriend mo.
'wag kang mag-ilusyon.
Walang perpektong tao.
kakahanap mo ng mga dream traits and qualities mo sa partner mo,
pinapahina mo ang pundasyon ng relasyon ninyo. 



#3: 'Wag mong ibigay ang 100% sa boyfriend o girlfriend mo.
My gracious goodness kapag dumating ang panahon na iniwan ka n'ya, 
100% na magdadalamhati ka at magsisisi kung bakit wala ka man lang naitira para sa sarili mo.

Magtira ka kahit 5% sa sarili mo. Panigurado, sa pagsasama ninyo ng "bf/gf" mo, yang 5% na yan ay kikita at tutubo pa :) Bangko lang ang peg :P 




0 comments:

Post a Comment

Feel free to share your thoughts with me :)

widget article

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...