Wednesday, October 22, 2014

Benta

BY Mc Wright IN No comments

Nagdabog ang bangs ko! Naningkit ang aking mata! Lumobo ang aking ilong! Namukha ang aking pula ay este Namutla ang aking mukha! Magkaganito ma’y hindi ako nahiya! Nagalit ako, oo!  Pero with poise pa rin akong naupo ng maayos at tumingin-tingin sa paligid. Super English to the maximum level. Bentang benta. ‘Yung tipong kakadating lang na ofw galing Saudi, ay 'este galing STATES.  Lahat sila, naka-nganga sa akin. Ako? Keber lang. Inayos ko ang buhok ko at ngumiti sabay sabi ng last word, “masakit ‘yun ha!”



Setyembre 25, 2014

By 07:00 am, I should have met my first class. But unfortunately, I was stuck in the traffic. I reached FEU at   7:15. I just sighed because I’d be receiving Late Notification via email. And as a rule, if a faculty receives this notif, there will be deductions in compensation. (My mind was telling me: this is not your day, koya!) (Pero keber lang.)

Simula 7:15 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon, walang humpay ang bibig ko sa kakaturo. Wala akong breaktime, even lunch break ay pinagkaitan ako (kasalanan ko rin naman kasi ako ang pumili ng schedule.) Hindi ako nakakain maghapon. I have been telling myself that Monday-Thursday schedule is not really good for me. Pero walang choice kayaĆ  push lang.

I planned to dismiss my class at 4:50pm so I could eat and prepare for the trip (rampa si koya papuntang N.U) to meet my speech classes until 7:30 pm. But, the plan was not materialized because of two students who were not able to understand the new lesson. So for humanitarian reason and love for them (charot!), I stayed for a while and re-discussed the topic (Espesyal yan hah! Parang lecheplan. Walang bayad! Dapat sisingilin ko sila. Nahiya lang ako. Ching lang!)

By 5:20, saka palang ako natapos. At dali-daling lumabas ng University. Kumaway ng Espesyal na Padyak papuntang N.U. (Bihira ako mag ganitong mode of transpo kasi may kamahalan, pero dahil gipit na ako sa oras. Pinilit ko na lang mairaos kesa ma-late. Pero in truth, nagulat pa rin ako sa siningil ni manong koya: 80 pesos.)

Pagdating ko sa bonggang National University, napakaraming tao na naghihintay sa elevator. Badtrip, sira pa yung isa. So, singbilis ko si Flash Elorde sa pagkilos para makasakay sa bonggang escalator   (ang taray diba. SM lang ang peg! So, feeling shopping-shopping galore.)

I reached the Bio-metrics at exactly 5:40pm. As expected, late ako. Before going to designated room, I sat for a while nahilo kasi ako dahil siguro sa gutom, stress at kakahabol ng oras.

I did my best for the lecture. It would be very unfair if my students would not receive what was due to them. I made the 1 hour and 30-minute lecture interesting and interactive as possible. The students learned based on my evaluation and assessment right after the talk.

Before 7:30pm, I dismissed the class and was able to eat in my cubicle. By 7:40, I left the University and rode a jeepney. Bumaba ako sa Quiapo, sa tapat ng bonggang TV ng Mercury Drug Store. Pumara ako kaagad ng jip papuntang Lawton para doon sumakay ng FX pauwi.

Kitang kita ko si koyang drayber ng jip na excited na kumuha ng pasahero. So dahil ini-expect ko na isasakay niya ako ng maayos, go na ako.

Hindi naman puno ang sasakyan. Mga anim lang ang pasahero at puro LOLA galing Quiapo Church. Kaya sigaw ng isip ko, “Yes! Hindi mainit!”

Unang tapak ko palang  at unang hawak sa handrail pasakay ng jip, biglang humarurot si koyang drayber. Sumabog ang bangs ko sa mukha! Halatadong excited siyang makakuha ng pasahero pagbaba ng Quezon Bridge. 

Dahil sa kabigatan ng bag ko (puno ng libro at laptop) na off-balance ako. Napasigaw ang mga Lola sa loob akala siguro nila’y madadaganan ko sila. Hindi ako natakot sa nangyari pero dahil sa lakas ng boses nila kinabahan ako. Si koyang drayber naman na atat hindi niya namalayan na ako ay napa-tumbling na sa loob ng sasakyan n'ya. Imagine, kulang na lang nag-split ako. ‘Yung bag ko na may laptop ay tumilapon sa paanan ng huling Lola na nakaupo sa likod ng drayber. Dahil sa kabigatan ay napasigaw ang pobre.

Ako naman ay nanakit ang tuhod, noo at nguso dahil parang sinungalngal ako ng sahig na bakal. Nasa ganung ayos ako nang Makita ni koyang drayber at mabilis na nagpreno (Talaga naman oh! ‘ke malas. Late reaction!!!!)

Si koya ay walang sinabi kundi sisihin ako kasi kasalanan ko raw kasi hindi ako humawak ng mabuti.

Nagdabog ang bangs ko! Naningkit ang aking mata! Lumobo ang aking ilong! Namukha ang aking pula ay este Namutla ang aking mukha! Magkaganito ma’y hindi ako nahiya! Nagalit ako, oo!  Pero with poise pa rin akong naupo ng maayos at tumingin-tingin sa paligid. Super English to the maximum level. Bentang benta. ‘Yung tipong kakadating lang na ofw galing Saudi, ay 'este galing STATES.  Lahat sila, naka-nganga sa akin. Ako? Keber lang. Inayos ko ang buhok ko at ngumiti sabay sabi ng last word, “masakit ‘yun ha!”

Si koya wala ng sinabi. Akala ko dinugo ang ilong niya.

Moral of the Story: Please, pagod na ako at duguan. Ikaw na ang mag-isip ng lesson sa nakakalokang pangyayari na’yan. Basta smile lang----kahit duguan. LOL. Napakaganda at misteryoso ng buhay. Peace yow!


0 comments:

Post a Comment

Feel free to share your thoughts with me :)

widget article

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...