Monday, November 3, 2014

Hindi Ka P'wedeng Itabi Kay Rizal!

BY Mc Wright IN 3 comments

May chika ang mga kapatid sa Pananampalataya na kung mahal mo raw ang isang tao ay dapat na ipaglaban mo. No matter what the consequence is, you must fight for that person. Hindi naman ako against d’yan sa pralala na ‘yan mga kabagang. Sa katunayan marami nang pagkakataon na bitbit ko ang bandera ng pag-ibig para isuko sa taong nagpasabog ng aking damdamin. (Ang Toroy diba?lol)

Maraming pagkakataon na kahit hindi tayo gusto ng taong minamahal natin ay para tayong tanga na patuloy pa rin sa pakikipagsapalaran sa kanya. Samantalang siya ay manhid na sa pagpapapansin natin at masayang nagpapapansin sa iba. (laslas na friend?)

Maaring ang katwiran natin ay okay lang na hindi pa tayo mahal ng mga taong ‘yun dahil ang mahalaga ay mahal natin sila or darating ang panahon na matututunan din nila tayong mahalin. Pero ang sakit hindi ba? Lalo na kung alam mong patuloy ka lang sa pagpapakatanga pero s’ya ay walang pakialam sa nararamdaman mo.  (Sarap sikmuraan! 20,000 times!)

Ay ewan! Bakit kaya tayong mga tao ay parang mga *masokista na kahit sobra na tayong nasasaktan at durog na durog ang ating puso eh patuloy parin tayong umaasa? Sa tingin ko’y hindi naman “human nature” ang magpakatanga. Lahat tayo ay may kanya-kanyang “choice” at lahat tayo ay may karapatang isipin ang ating “self-worth”. Kung ang pagpapahalaga sa ating sarili ay nawawalan na ng saysay, aba friend, tama na! Tandaan mo, hindi mo maibibigay ng buong buo ang puso at kaluluwa charot!  mo kung hindi mo ito napahalagahan.

Kung kaya ng mga taong iniibig natin na hayaan lang tayo at patuloy na saktan, friend, kaya mo ring iwaglit sila sa puso’t isipan mo. (Wag kang magpaka-martyr hindi ka isa sa mga paring GOMBURZA at lalong hindi ka pwedeng itabi kay Rizal sa Luneta dahil baka isipin ng iba na naging jowa ka niya!)


Totoo na kung mahal mo ay dapat ipaglaban mo. Pero kung ikaw lang naman ang nagmamahal at hindi ka niya kailanman kayang mahalin, aba’y anong drama mo sa pakikipaglaban? Dahil in the first place wala ka namang ipaglalaban. Ano ‘yan one-way lang ang love? Mahirap ata yun. Pero in reality hindi natin ‘yun naiisip kasi go lang tayo ng go kahit durog na durog kana. (tinalo mo pa ang paminta!)

Na in-reality, sige ka nang sige at fight ka nang fight kasi bulag na bulag ka sa pagmamahal sa taong ‘yun. Go ka lang ng Go diba kahit ang sakit-sakit na. Alam mo kung bakit? Kasi sarado na ang isip at puso mo.

Friend, p’wedeng p’wede kang sumuko! Ang ‘yung pagsuko ay hindi nangangahulugan ng  kaduwagan mo! There are times in life that you need to surrender and give up things, not just because you’re tired kundi dahil kahit kailan ay hindi ka niya magagawang mahalin. Ito ang katotohanang sumasampal sayo pero keber ka lang dahil naging manhid ka na rin.

Masakit tanggapin na kung gaano natin kamahal ang ibang tao ay hindi natin namamalayang sinasaktan na natin ang ating sarili. Ang nakakainis pa nito ay pinapaasa natin ang ating mga sarili na ang “Ikaw” at “Siya” ay p’wedeng maging “KAYO.” (Kahit kasing labo ng mantikang isang buwang nang tulog sa bote na mangyari ‘yun.)

Hindi masama ang umasa. Pero ang umasa sa wala ay walang magagawang maganda.

Tandaan mo friend…

“Ang magmahal sa taong may mahal ng iba ay parang pagpunta sa Giyera na hindi mo alam ang gagawin. Hindi mo alam kung kailan ka dapat lumaban o kung may karapatan kang lumaban at masaktan.”

Love yourself,





*Ito yung tao na di bale nang masakatan at piping pipi na para sa kaligayahan ng iba ay gorabels parin.


photo (c) google


3 comments:

  1. ako puwede , kasi magkamukha kami ni Rizal he he he

    ReplyDelete
  2. Cool blog post. I hope I could be like him who spoke 22 languages.

    ReplyDelete

Feel free to share your thoughts with me :)

widget article

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...