Monday, October 27, 2014

Akala Mo Lang Wala! Pero Meron! Meron! Merong Poreber!

BY Mc Wright IN No comments

In the maximum level ang paniniwala ko sa poreber (forever). Maaaring marami sa mambabasa ko rito sa The Wrighthingy ang hindi naniniwala na totoo ito sa pagibig.

Ay ewan ko ba! Hindi ko naman pwedeng ipilit sa kanila kung ano ang aking paniniwala dahil parang sinabi ko na sa kanila na pangit ako kung ganun. Pero kahit paano’y maligaya ako na patuloy silang nagbabasa ng mga entries ko lalo na sa “love”.

Kung isa ka sa kanila na hindi naniniwala sa poreber. Ikinalulungkot ko na malaman ‘yan.
Pero hindi pa huli, friend. Hanggat buhay ka at humihinga pa, may pag-asa ka pang mapatunayan na may totoong forever. Sa maniwala ka man o hindi, isa ako rati sa mga hindi naniniwala rito (pindutin ito). Pero hanggang sa napagtanto ko na totoo nga ito. Na hindi lang ito imahinasyon ng mga lola nating tumanda na kakaantay sa poreber nila.

Totoong may poreber kahit pa mawalan ka na ng asim sa katawan o kahit pa tingin mo’y naubusan ka na taong mamahalin dahil sa naglipanang higad na makati pa sa gabi.

Isipin mo: bakit kaya ang iba ay  naghahanap pa ng ibang kakatihin este mamahalin gayung komited na sila? Hindi kaya dahil hindi sila naniniwala sa poreber? (Nagtatanong lang. 'wag mag assume na ikaw ito. lol.)

Sa kabilang banda, friend, kung ikaw ay isang kapatid sa paniniwala na mayron 'ngang forever, aba! aba! dapat nating ipagbunyi iyan! (tara! Rock-rockan na! Ilabas ang Lechon at Mang Tomas!)

Totoo ang poreber!!! (Insert Smiley na gigil na gigil.lol)

Isa ito sa patunay.
Sabi sa Bibliya (*New Living Translation),
 “Three things will last forever—faith, hope, and love—and the greatest of these is love.

Sa totoo lang, sa bawat taong mamahalin natin lagi nating iniisip na sana siya na ang taong nakatadhana para sa atin. Na sana ‘yung relasyon na meron tayo ngayon ay poreber na. 

Tama ba ako?

Kasi kung hindi ‘yan ang nasa isip natin, napakadaling magpalit ng karelasyon at parang nilalaro lang natin ang lahat. Pag nagkataon Kaya mong talunin si Anne Curtis sa konsert niyang Anne Kabogabol  sa bilis niyang magpalit ng gowns! Juice colored.

Meron nagsabi sa akin (hindi ko na babangitin ang pangalan niya pero siya si Mark) na ang lahat daw ng relasyon na pinapasok ng tao ay nagwawakas dahil may posibilidad daw na mamatay ang isa sa kanila. Kung gayun daw ang nangyayari edi totoo ngang walang poreber.

Uminit ang ulo ko. Gusto kong ipaamoy sa kanya ang medyas ng kapitbahay ko!

Ang sabi ko sa kanya:
Kung halimbawa na ikaw ang mamatay. (Ansama ko ba? Halimbawa lang naman.) Hindi naman ibig sabihin nito na natapos na ang poreber sa inyo ng GF mo. Lalo na kung naging totoo kayo sa isa’t isa. Kahit saan ka mapunta, sa langit o ibang dako pa roon, saklaw ng teorya ng poreber ang pagmamahal kahit walang pisikal na interaksyon. Hanggat minamahal ka ng GF mo at naniniwala siyang magkikita ulit kayo sa hinaharap, kumakapit sa pananampalatayang kayo parin hanggang sa dulo… hanggang sa cloud 9 o sa kabilang dako pa roon… walang duda, ideya ng poreber ‘yun, koya!
  
Sa haba ng paliwanag ko, akala ko’y okay na. Hindi pa pala dahil ang sabi naman niya, “Eh pano naman ang “happiness” e’ ang happiness naman ay hindi nagtatagal kaya walang poreber sa happiness. Kasi masaya ka ngayon pero asahan mo bukas ngalngal ka kasi may pagsubok na naman.”

(Napaisip ako. Hindi sa kung ano ang isasagot ko sanya. Kundi sa kung ano ang dapat kong ipangpokpok sa ulo niya.LOL)

Ngumiti ako ‘yung pang close-up totpayst na komersyal bago sumagot. 
“Ang ‘happiness’ ay nasa tao. Tulad din ng poreber. Nasa disposisyon natin kung paano natin haharapin ang mga pagsubok. Kung masaya ka ngayon at biglang may dumating na dagok sa buhay mo, hindi naman ibig sabihin na magpakamatay ka sakalungkutan diba? Kung tatanggapin mo ng maluwag ang sitwasyon at hindi ka nawawalan ng pag-asa na malalagpasan mo ito, may “happiness” doon. Ang happiness ay kung paano mo titignan ang mga bagay-bagay sa buhay mo. Hindi porket hindi “favorable” sa’yo ang isang bagay eh  tapos na ang maliligayang araw mo. May poreber sa happiness at nasa saiyo iyon kung pano mo makikita.”

(Natapos ang pag-uusap namin na walang dugo na dumanak. Mabuti na lang naniwala na siya. LOL)

Sa ganang akin, friends, totoong may poreber. Uulit ulitin ko, may poreber! Akala mo lang wala pero meron! Merong porber!

Hindi natin kailangang makita para patotohanan ang isang bagay (ang to see is to believe ay isa na lamang excuse sa mga ayaw maniwala). Maraming bagay sa mundo ang nagpatotoo niyan (hangin: utot, at si Paps God, etc.)   


Tandaan friend, magsisimula lang poreber kung maniniwala ka muna. Wala namang masama kung maniwala ka. At panigurado kapag nagkataon, mag-iiba ang tingin mo sa mga bagay-bagay lalo na sa relasyon at pag-ibig.

Hanggang sa muli,

Ang iyong poreber handsam friend (hindi ‘to joke ah!):






*Holy Bible. New Living Translation copyright 1996,2004,2007,2013 by Tyndale House Foundation. Used by permission of Tyndale House Publishers In., Carol Stream, Illinois 60188. All rights reserved.

photo (c) google

0 comments:

Post a Comment

Feel free to share your thoughts with me :)

widget article

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...