Friday, December 19, 2014

Haberday!

BY Mc Wright IN , 5 comments

Hindi ko mawari kung ano ang gagawin ko ngayong berday ko. Ililista ko sana ‘yung mga rason na dapat kong ipagpasalamat sa Diyos at sa inyong lahat: sa suporta, sa tiwala at sa pagmamahal (emengerd. Feeling Silebreiyti na naman si koya!)

 Salamat mga kabagang! Salamat na kahit hektik ang skedyul niyo eh nagawa niyo pang-mambola sa akin at mag-eport na pumindot sa kaybord para lang batiin ako. (‘yung totoo? Alam niyo ba talaga na berday ko oh nakita niyo lang sa efbey noteypikeysyon? hehe)

Ngayong oras na ito habang tinitipa ko ang entri na ito, ang pwet ko’y umaaroy na sa ilang oras na pagkakaupo. Gusto kong lumaklak ng isang drum na kape kasi antok na antok ako marahil dahil sa lamig ng fakulti rum at dahil kulang ang tulog ko.

Malamig na ang mga araw ngayon noh? Ngayon ko lang din napansin. Magpapasko na kasi. Bigla ko na naman naalala ang mga inaanak kong hindi ako kilala sa nakalipas na 364 days! Nakakaloka de vah?. Karamihan sa kanila hindi ako kilala, at bigla na lang nila ako nakikilala kapag Pasko na! so imagine, sa loob ng isang taon, sa loob ng 365 and ½  days, eh 1 day and ½ lang nila ako kilala and teyk note: Napakagalang nila sa araw na iyan. (How I wish everyday kids are like that! And that every day is Christmas Day!)

Nagdadabog na naman ang kilay ko kapag naaalala ko ‘yung mga kumare at kumpare ko kuno. Kahit magkasalubong kami araw-araw at minsan pa nga’y nagkakasakay sa jip, jusme! Hindi ako kilala. Tapos ngayon pasko, anak ng tinapa’t bagoong isda! Hello, hello, at beso-beso ang peg nila!

Teka… 

berday ko ngayon… 

Parang out of the topic ang drama ko sa post na ito. Haha. Oh sige na nga, ang wish ko ngayon ay Kalusugan ng mga Mahal ko sa buhay at Peace of Mind (kung loloobin nawa ng Diyos e’ World Peace na rin!) Salamat ulit sa mga nakaalala.


P.S.

Gusto ko pong liwanagin na tumatanggap pa po ako ng berday geyfs.
Mapa-pera o mapa-regalo man. :P


Labyow,
 



5 comments:

  1. Happy Birthday po ... God bless you always ...

    ReplyDelete
  2. Happy Birthday MC! Pakasarapa at pakalinamnam ka ngayon ah! Mwah mwah tsup tsup!

    ReplyDelete
  3. Maligayang bati sa iyong kaarawan! More more post please, enjoy kami sa blog mo! Mwah mwah!

    ReplyDelete
  4. Hi Bb. Melanie!!!!!!!!!!! THANK YOU! <3 <3 <3

    ReplyDelete

Feel free to share your thoughts with me :)

widget article

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...