Blanko.
Minsan ng sumakit ang ulo ko kakaisip ng kung ano ba ang
dapat ko i-share sa inyo. I guess many, if not all writers, are like that. (Feeling
writer ako! Harhar!) ‘Yung tipong kahit mahilig kang magsulat, point in time
comes that a single word is difficult to write and define. The reasons are too
many and truly different from each other. In my case (ontoroy! “in MY” talaga?),
alam kong wala akong maisusulat once na napansin kong 5 minutes na akong
nakanganga sa harap ng laptop.
5 Minutes.
Truth! Sa loob ng limang minuto kung kating kati ang kamay
ko sa pagtipa ng gusto kong i-chika eh panigurado nakatapos na ako ng isang
page ng kalokohan este ng kwento. Ang bawat minuto para sa isang manunulat (kagaya
ko? Char! Grabe na si koya!) ay mahalaga. We (sumosobra na! “We” talaga as in?)
find it significant because a good
thought or an idea to be written down might be passing like an air. Kung baga,
FLEETING ang bawat magagandang ideya na gusto naming (Pagbigyan niyo na! Berday
kahapon eh!) ipabatid.
Fleeting.
Kagaya ng buhay ang mga ideya ng ilang manunulat ay nasa
fleeting status. Ang ibig sabihin ng fleeting
sa tagalog ay ‘yung mga panandalian lang, may maiksing time-span. Kahit gaano
ang husay ang manunulat may mga pagkakataon sa buhay namin (Ito sobrang sobra
na talaga! @$#@$%! Ambisyosong piglet!) na hirap na hirap kaming isulat ang
gusto naming ilahad kahit pa ang isip,puso’t kaluluwa ay naghuhumiyaw (ng
hustisya?char!) ng “GO! KAYA MO YAN! PUSSSSH!”
Inspirasyon.
Sa pagsususlat, mahalaga na inspired ka. Ito siguro ang isa
sa mga powerful driving force ng writer to construct a very worth reading
material. Kapag kasi inspired si ateng or koyang writer, it’s very easy to
understand the wrting keme at for sure na ang mga mambabasa ay makakarelate sa
mga kalokohan niya. Lol.
Cycle.
Ang pinagdadaanan ng manunulat ay parang gulong na hindi
butas. Smooth ang pag-ikot nito at naka-cycle na. ‘Yung mga times na
napakadaling maglahad ng gustong isulat ay maaring paulit-ulit pero ganun din
naman ‘yung mga moments na ang hirap-hirap mag-share. Pero magkagayun pa man at
the end of the day, ‘yung kasiyahan ng isang writer ay hindi matutumbasan once
na nakapagsulat siya ng isang material.
Mahusay (kuno!)
Kahit sabihing walang maisulat ang isang writer masasabing
mahusay si ateng o si koya once na ‘yung moment niya na hindi siya makapagsulat
ay magamit niya to write a good piece of writing. Imagine, kahit wala sa Mood
ang writer kapag magaling siya ay makakagawa siya out of that “wala sa Mood”
status ng isang writing entry.(Mahusay! Bigyan ng jacket! 5000!)
Summary.
Ehem…
Excuseme…
Nako…
Tsk…
Nakakainis naman.
Wala akong maisulat ngayon.
Wala kasi ako sa mood na magsulat.
Ay! Pasensya na. Wala ako sa mood ngayon.
(Paulit-ulit na "WALA SA MOOD NA MAGSULAT" mga 20,000 times. lol)

0 comments:
Post a Comment
Feel free to share your thoughts with me :)