Masaganang Bagong Taon sa inyong lahat!

Dalangin ko na lahat tayo ay makaranas ng umaaktibo, masaga
at bonggang-bonggang biyaya hindi lamang sa aspeto ng panananlapi kundi sa
lahat-lahat na!
BLESSINGS TO THE MOON AND BEYOND!
1. Na ang bawat single ay mabiyayaan ng supercalifragilisticexpialidocious
na lablayp.
2. Na ang bawat isang dumanas ng pighati at kalungkutan dala ng
pagkakasawi sa pag-ibig nitong 2014, ay mabilis na makapagpatawad upang sa
gayun ay singbilis din nilang maka-move on.
3. Na sa bawat naghikahos sa buhay nitong nakaraang taon ay
mabigyan ng opportunity na makapagtrabaho upang makaahon-ahon sa buhay.
4. Na sa bawat isang mangingibig na na-basted at naligaw ng
landas ay makatagpo na nila nag kanilang da One and only.
5. Na lahat ng mga taong naiwan ng mga lumisan na kapamilya ay maibalik
kahit pakunti-konti ang sigla at kulay ng kanilang buhay.
6. Na ang bawat isa na bumagsak ang grado, mapa-eskwelahan,
trabaho o kompanya man ay makaahon at maging matagumpay.
7. Na ang bawa isang niloko, pinaglaruan at sa bandang huli ay
iniwan ay matutung ngumiti at ipagpatuloy ang pakikibaka sa buhay-at higit sa
lahat makapagpaatawad.
8. Na ang bawat isa na nawalan o humina ang pananampalataya sa
Diyos dahil sa problema o kung anumang kasawian ay bumalik ang paniniwala sa
Maykapal.
9. Na ang bawat hinanakit ay maibsan at mawala.
10. Na ang bawat galit ay maging saya’t tuwa.
11. Na ang bawat maitim na budhi ay maging singputi ng suka.
HAPPY HAPPY HAPPY HAPPY NEW YEAR, F!
labyow,

Happy Happy New Year din sa’yo! Nawa’y yumaman ka this year at siyempre mang-share ka din sa akin ng bonggang-bongga! Charz!
ReplyDeleteHaha! Syempre naman! Ako pa. 'O basta kapag ikaw ang unang yumaman ha be generous. Okay na sa akin 'yung isang House and Lot sa White Plains N.Y. Hahha
DeleteHappy New Year sayo Mc Wright ... sama sama sa blogging until the end ... walang bibitaw ... God bless us all : )
ReplyDeleteYes, Kuya E! Thanks! Kapit lang! Once a blogger-----always be a blogger hahaha!
Delete