Two days before Christmas my father and I were surprised to
know that his bicycle was missing. I
initially thought that somebody used it without permission.
In short, Ninenok.
NKKLK! na after tanungin ang ilang kapitbahay ay saka lang naming
na realize na hindi ninenok ang bisikleta kundi naghuhumiyaw ang katotohanang
NINAKAWAN kami ng BIKE!
OMENGERD ANDERSON!
Ganun
na ba talaga ang tao ngayon na sa sobrang kawalan ay kumukuha ng gamit na hindi
nila pag-aari? Hindi ko naman masisi ang magnanakaw ng bongga kasi may
kasalanan din naman kami na hindi naming ni-lock and mamahalin at bonggang
bisikleta. (Pang-karera pa naman ang outlook at galing pang Japan. Oh kabog diba?
Mukha pa ngang Glowing-in-the dark paminsan!)
NKKLK!
***
A day before Christmas, nadatnan ko sa Sala ang isang
relative na emosyonal na kausap ang aking papa. I thought it was just another
ordinary story again about misunderstanding, family matters, etc. Habang
nagsasalin ng mainit na tubig sa mug, nagpanting ang tenga ko nang marinig kong
nawawala ang kanyang TV, DVD, Blender, Rice Cooker, Speaker and Bass at kung
anu-ano pa!
OMENGERD ANDERSON! 2.0!
Nanakaw din sila! Ang mas NKKLK! ay
pinasok sila at inubos lahat ng gamit sa sala! Wala akong nasabi. Hindi ko alam
kung ano ang unang sasabihin.
Ano na ba ang nangyayari sa lugar ni Juan? Marami ang adiktus sa
katol ang naglipana, mga Higad na sobrang kati, mga kabataang naligaw ng landas --- plus mga magnanakaw!
NKKLK!
***
Christmas day, nakita kong nakapila ang mga bata sa tapat ng
aming bahay. Nakakatuwang isipin na masaya silang lahat habang ang aking papa ay
nakangiting inaabot ang tig-Bebente, Singkwenta at ilang Isang Daan na
malulutong, Maligaya silang lahat! Ako rin, napangiti kasi maligaya sila.
Maya-maya nag-beep ang CP ko, isang text mula sa isang kaibigan
tungkol sa nalalapit na Laboratory Tests ng father ko sa isang Pribadong Ospital.
Hinanap ko ang Schedule Sheet at ‘Yung sobre ng pera para sa Labtests.
OMENGERD ANDERSON! 3.0!
HALOS MAGHUMIYAW AKO NANG MAPAGTANTO KO NA
NAWAWALA ANG PERAAAAAAAAAAA!
ANG PERAAAAAAAAA NA PANG LABTESTS AY NAGBIBIGAY
LIGAYA SA MGA KABATAANG NAKAPILA SA HARAP NG BAHAY NAMIN!
NKKLK!

O kay saklap. NKKLK!
ReplyDeleteOmengerd Anderson talaga! haha
Delete