My lungs were filled with joy and
excitement as the Year 2014 closed its doors. Year 2014 was not that wonderful to me or I
should say to my entire kinship.
Lugmok na lugmok kami ng 2014.
Though there were these wonderful gifts from above pero jeskelerd binaha naman
ako ng pagsubok at putik-putik na trahedya. I would rather not mention them one
by one baka maiyak pa ako at mapalupasay sa sobrang-emote. (mas nanaisin mo na lang na magbalat ng patatas kung magkaganon.)
Magkagayunman, my sincere thanks still
go to our Father because no matter how difficult the situation was, He never
left me alone. (click here)
Merong ilan na magagandang
nangyari sa akin pero they were just like a handful compared to the “Balde-Balde”
na trials. Pero you know me, F! that no matter how painful the experience was hindi
ko isusumpa ang araw na ‘yon. But to be honest, those times taught me to be
humble and submissive at times.
Una, natutunan ko na sa mga
pagsubok na darating sa buhay natin wala tayong karapatang pumili at lalong
hindi kikilalanin ng pagsubok ang qualifications natin, like kung ano ang natapos
ko, ilang degrees ang bitbit mo, ilang medalya ng parangal ang isinabit sa ulo natin
o kung anu-anong relevant seminars and work experiences ang napagdaanan nating
lahat. Sa side ng pagsubok, lahat tayo ay
mahihina at walang binatbat. They have this main goal---Putting us all down.
What gives these trials the true
meaning-- is how we respond to them. ‘Yung tipong duguan ka na pero hindi ka
sumisigaw ng SUKO NA KO! At aminin mo, we surprisingly discovered the other side
of ourselves after we surpassed these trials. Indeed, walang kulay ang buhay kung
walang pagsubok. With this, mahalagang alam mo kung paaano maging humble at
kilalanin ang mga kahinaan mo para sa hinaharap. Kasi ‘yung mga kahinaan na ‘yun
ang magiging daan para ikatalo mo kung hindi mo mapro-protektahan. (Parang sa
UFC lang ‘yan. Dapat i-cover mo yung part ng katawan mo na mahina at may
tama, dahil ‘yun ang magiging target ng kalaban.)

photo (c) Kameronlombard.com
Pangalawa, hindi masama ang
maging-submissive kung minsan. Hindi naman kabawasan ng pagkatao mo o ninoman
ang maging masunurin o napahihinuhod (nosebleed!) pa minsan. Walang masama kung
sasabay ka lang sa agos ng alon kung saan ka man dalhin. Hindi rin naman masama
na kung minsan ay ‘wag magreklamo at maglaban. Minsan, F! masaya rin ang maging
submissive. ‘Yung tipong yayakapin mo ang karupukan mo bilang tao. ‘Yung
kahinaan mo bilang nilalang. Kasi minsan doon natin nakikita ‘yung bagay na
hindi natin napapansin lalo’t kapag tayo ang palagiang nagpupumiglas, lumalaban,
sumisigaw, naghuhubad (ay erase—erase—wrong key! Mali.lol).
F! Hindi masama na pa minsan ay
pikit-mata tayo sa kung ano ang ibibigay ng pagsubok o ng bukas sa atin.
Kaya
ngayong 2015, ang dalangin ko para sa ating lahat ay simple lang. ‘Yun bang maging humble at submissive tayo sa kung ano man ang ibigay ng Diyos sa atin. Na ‘wag tayong mapagod
na umasang laging may liwanag pagkatapos ng dilim, may pag-asa pagkatapos ng
trahedya, at may Mang Tomas kapag may Lechon (ay erase—erase—wrong key! Mali.lol.
2.0).
![]() |
| Gwapo ko lang oh. Parang Bulag at Pipi na saksi sa isang kahindik-hindik na pangyayari.lol |


Amen tayo jan Mc Wright ... kayang kaya pag sama sama : )
ReplyDeletehaha. truth. Masayang buo ang pamilya sa pagharap sa suliranin. Kahit pa sabihing wala ng makain ang isang tipikal na pamilyang pinoy GO parin basta buo ang sila ๐ saya lang!
DeleteGo lang ng go. Fight lang fight!
ReplyDeleteGusto ko ang pagkakasulat mo tungkol dito. Babasahin ko ulit ’to pag nagkaroon ako ng problema (pls wag naman sana, pero di naman maiiwasan di ba?)
Tama ka jan AB! Hindi natin maiiwasan yan.. pero keriboom-boom .. We are not alone. ๐
Delete