Tagos sa puso ang kasiyahan ng mga bata noong Pasko.
Ang
araw na ito ang isa sa pinaka-inaabangan ng lahat bukod sa Birthday nila.
Tinanong ko ang ilan sa mga bumisita sa akin noong araw na ‘yun kung bakit
gusto nila ang pasko. Ang sabi nila na walang alinlangan ay, “Kasi
po, marami po gifts and bente-bente na malutong.”
Nakakatuwa na children are anticipating this season. Pero
mas nakakatuwa kung ang sana’y isasagot nila ay dahil ang selebrasyon ng pasko
ay pagpapaalala na totoong may Diyos at siya ang nagsilbing ilaw sa mga naligaw
ng landas at naging savior sa lahat ng makasalanan.
Pero kung mababaliktanaw ako, the child’s answer was my
answer as well. Imagine how material
things stray the thoughts of the young. Marahil, walang masama kung ito ang magiging
rason ng mga bata. Pero mas makakabuti kung ang nasa isip nila ay higit pa sa
regalo o pera.
Kaya mahalaga na sa araw ng pasko, ang mga bata ay makapagsimba
para guided sila kung para saan ang selebrasyon na ito at kung bakit ito
mahalaga.
Sa ngayon kasi parang nag-iba na. Though I know na hindi
naman sinasalamin ng mga namasko sa aking bata ang lahat ng bata sa sanlibutan
(nosebleed!), pero these kids are different na.
Noong Dec. 26, may naging bisita kami na namigay ng ilang
grocery items. Nakabalot pa ang mga ito sa magadang gift wrapper. I peeked on
the contents, may ilang delata, palaman at ilang kilo ng bigas. We don’t
usually use the goods kasi dalawa lang naman kami ng father ko and I guess marami masyado.
Come Dec 25 dahil sa pagtitipid, ito ang ibinigay ko sa isa
sa mga bata. NKKLK! na ang naging reaksiyon niya ay: Ayoko niyan. Gusto ko pera. So
dahil bigla akong nahiya, ang pobreng ninong ay kumuha ng Dalawang Daan at
ibinigay sa kanya. Aba’y ang aking inaanak ay tinanggihan muli at ang gusto
niya ay 350!
Sakit sa bangs! Truth na nag-aatitude si neneng kaya nung sinabi ng nanay niya na aking “Kumare-in-a-day” na tanggapin na ang 300 ay buong ningning na kinuha ni bagets ‘yun at lumabas nang pinto. Walang thank you- thank you.
Si kumare-in-a-day
naman ang nasabi lang ay: Sige MERRY CHISMAS! Sabay labas ng bahay namin habang
kagat-kagat ang Mansanas na kinuha ng walang paalam sa lamesa. ‘Yun na! Kabog!
Happy Holidays!
photo (c) google




Kalurkey naman ang inaanak mo teh. Pero mas naloka ako sa kumare-in-a-day mo. Dapat eh tinuhog mo na siya ng kawayan habang nakapasak sa bibig niya yung apol. Chariz lang!
ReplyDeleteNext year, bilang Santa Claus ay dapat mo nang sundin ang #1 rule. Wag regaluhan ang mga batang salbahe. Ahaha!
Ateh bwahahha oo nga eh. Kung pede lang magbigay rin ng requirement sa mga kumare-kumpare in the future diba. hahah lol
ReplyDelete