Naghuhumiyaw ng hustisya ang
isang HS student na pinagtaksilan kuno ng kanyang BF. Sabog na sabog ang
damdamin ni Ineng sa FB statuses niya. Habang binabasa ko ang status dalawang
bagay ang gusto kong gawin, una ay i-like ito. Feeling ko kasi mahalaga na maramdaman
niya at this time na someone gets her point and understands what she has
been experiencing.
Sa totoo lang, masakit ‘yun ha. Masakit ang mapaglaruan lalo
na’t wala kang alam dahil all the time akala mo e totoo rin sayo ‘yung taong
pinagkatiwalaan mo. Sa murang edad, si ineng eh hindi dapat nakikipag lablayp.
Dapat eh sineseryoso ang pag-aaral at dun lang muna siya naka-focus. Kung alam
ko lang sa una pa lang eh kinurot ko na ang singit ni ineng nang hindi na siya
umibig. Pero, come to think of it, I guess nobody is out of the bowl kung ang
tanong eh:
NA-IN LOVED KA BA NOONG HS STUDENT KA PA LANG?
Lahat marahil ay kumerengkeng
dahil sa pana ni kupido. Who should be blamed? Aba eh napakasarap umibig. Kahit
na ang mga Gods and Goddesses sa Mitolohiya ay nagaaway-away dahil sa pag-ibig
na’yan. Kahit pa ang mga nearly to
perfection na anak ng Diyos ay naliligaw din ng landas kapag tinamaan ng love-spell.
Sa ganitong pagkakataon,
naramdaman ko si ineng. Hindi pumasok sa isip ko ang mag-comment ng negative
thoughts on her posts, and even thinking na sawayin siya at sabihan ng mga
makatotohanang pangaral sa buhay. Naramdaman ko siya. Marahil hindi niya batid
kung kanino tatakbo at i-iiyak ang kanyang kasawian.
Kung anu-ano ang mga nabasa kong
komento mula sa kanyang mga kaibigan kuno. Karamihan ay paninisi at kung
anu-anong ka-ek-ekan na wala namang magagawang mabuti.
Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa.
Ginawa ko ang pangalawang bagay, which is i-mesage siya at sabihang burahin ang
post niya.
Sa ganang akin, hindi masama ang
mag-post ng kasawian sa fezbook. Truth yan. Walang masama. Pero dapat aware
tayo sa mga consequences nito. Hindi lahat ng nilalang sa friend’s list natin
ay totoong friends at makakaintindi sa mga hinaing mo sa buhay. Maaaring may
iilan na makakaintindi pero mas marami ang pupuna at makikiusyoso lang.
Nakakatuwa na nakinig si ineng.
Ilang minuto lang after naming magpalitan ng messages eh binura niya ang post
niya. Ramdam ko si ineng, ang pait at ang
sakit na pinagdadaanan niya ngayon. Sabi ko nga sa kanya pwede na niyang isali
sa MMK ang istory niya.
Sinabihan ko si ineng na dapat
magpasalamat siya at maaga palang eh nakilala na niya ang tunay na kulay ng
kanyang pekeng mangingibig. At pinaalalahanan kung maari ay ‘wag na munang
pumasok sa isang relasyon dahil napakabata pa niya. Hindi naman mauubos ang
lalaki sa mundo.
Walang masamang tinapay kay ineng. Hindi pwedeng sa kanya isisi
ang lahat-lahat. Isa lamang siya sa mga nabiktima at naloko ng iilang kampon ni
Singkamas! Ang nakakaloka pa ang kampon na iyon ay may-edad kaysa sa kanya.
Gusto kong sumigaw. Apekted ako. Kahit saan anggulo tignan: Mali. Maling Mali.
Napabuntung-hininga na lang ako at nasabing:
‘O peg-ebeg. Minsan masakit ka talaga sa
bangs!
photo (c) google


0 comments:
Post a Comment
Feel free to share your thoughts with me :)