This is it! Nag-chat si Kaibigang
Ahit ang Kilay.
Sa mga hindi nakakakilala, siya po ‘yung unang inis na inis
kapag tinotoyo si Feelingerang Friend.
Dalawang imeldific na personas na
po ang naipakilala ko sa inyo (1. Feelingerang Friend [click here] 2) Tindera sa Wet
na Wet Market [click here]). At marami ang natutuwa sa kanila pero marami rin naman
ang inis na inis.
(Kung ako ang tatanungin, lovable naman sila kahit sala sa
init at sala sa lamig. Kahit na ang mood swing ay kasing bilis ng ikot ng elisi
ng bentilador, keber lang.)
Pero minsan sumasakit na ang
batok ko sa kanila. ‘Yung tipong blood-pressure ko ‘e umaabot ng 140/90. Minsan
rin, I find myself in the jungle lalo na kapag nagsabay-sabay sila ng paandar.
Imagine, silang dalawa tapos dadagdag pa itong si Kaibigang Ahit ang Kilay! ‘Yung
tipong mapapabuntung hininga ka na lang and you’ll say: Oh Lord, don’t forsake
me!
***
How time flies!
Nung nakaraan
lang eh nagkasamaan ng loob itong mahal nating si Feelingerang Friend (FF)
at
Kaibigang Ahit ang Kilay (KAK).
Hindi ko alam kung sino ang mali sa kanila. Hindi rin
naman ako ‘yung tipo na sususugan ko pa ‘yung galit nung isa para mas mainis sa
isa. Ang gusto ko nga eh bati-bati ang lahat para masaya. Pero I just realized, na minsan pala mas lalong makulay ang mundo kapag itong dalawang ito ay
nagpapatalbugan. (Can’t help but smile. Ohhh my gosh, Darla.)
Ito ang siste:
Si sosyal na KAK ay Graduate ng La Salle (Nakoo ha! Mag-iisip na ang mga Green
Archers jan!) Samantalang si FF ay sinipa sa UP
kaya napunta sa isang ring bonggang State U. Hindi ko alam kung paano kami naging magkakaibigan kahit
madalas na hindi kami magkaintindihan.
BTW, si boyfriend ni FF ay dating ka-AWRAHAN ni
KAK.
Hindi ko malilimutan nung
magsabunutan ang dalawa dahil ‘yung panyo na burdado ng pangalan ni FF ay
nakita niyang gamit-gamit ni KAK.
OHMERGERD! Imagine, nabulabog ang Aristocrat
sa kanilang dalawa. Walang mintis sa ENGLISH SPOKINING DOLLAR ang language
used. KABOG kung KABOG!
Mahihiya ang World WarII sa
labanang iyon.
Lumipad ang mga buto ng manok mula sa plato ni FF at sinalo ng
buong buo ng Dibdib ni FF.
Hindi naman papatalo ang isa sa paghagis sa tirang JAVA rice at sinalo ng mukha ni KAK.
(Walangjo! Ako eh hindi alam kung ano ang
gagawin. Si Tindera sa Wet na Wet na Market naman eh walang ginawa kundi ang
kumain parin kahit nagkakagulo na. Literal na masakit sa Bangs!)
***
Ngayon nga'y...
Nagchat si FF sa lahat na magkape sa paboritong Pegaro Kofi Chop (Please Imagine, ganyan ang pag-pronounce niya. Sosyal devah?)
Ang sabi ay:
"Frenship ol woks of layp. Tarabels sa Pegaro tomas morato. Getsung ko ang anda ni Oms por getogeder toma de kape!"
(Friends from all walks of life, let’s go to Figaro Coffee Shop tomorrow. I got the money from Boyfriend for our get together thru coffee breaks.)
Hindi pa umiinit ang mata ko sa pagbabasa when KAK sent a PM, too:
"Wrightty! Please drop by here tom n my Pad! Need to ask ur opinion on my dress and stiletto."
(Tumaas ang kilay ko kasing taas ng Mount Fuji sa India! India ba ‘yun? Oh basta, Mount Apo na lang!)
Mukhang hindi na kailangan ng hula ni Madam Auring ang mangyayari bukas! Excited na ako! Need ko ata mag-raincoat bukas. Aba, mainit ang kape ha. lol.
O s’ya I’ll make the kwento of this next time. Mag-dinner muna ako.
Itutuloy…
photo (c) google


Nabitin ako.
ReplyDeleteHAHA. I'll post the continuation soonest :) Thanks for reading :)
Delete